Mga Epekto ng Internet at Social Media sa mga Magaaral

 Mga Mabuting Epekto:

     Sa panahon natin ngayon madami nang mga makabagong teknolohiya ang nabubo at isa na dito ang internet at social media kung saan ay nakakatulong sa atin ang paggamit nito sa pagaaral, pagsasaliksik at komunikasyon. Ngunit may naidudulot ba itong mabuti sa mga magaaral?

Related image

   Ang internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang makatatapat dito. Binabago ng internet ang pamamaraan ng pagtuturo at kung saan ito maaaring magkaroon ng pagkatuto. Nakakapagpabilis din ito at walang aksaya sa oras sa pagkuha ng mga impormasyon at kaalaman sa mga kabataang Pilipino.

     Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Image result for internet

     Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o malayo sa iyo. Magagawa mo ding ibahagi ang iyong opinyon sa mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo.

     Ang Facebook ang pinakapopular na social networking site sa Pilipinas ngayon kung saan sinasabing malaki ang tungkuling ginagampanan nito sa buhay ng mga estudyante. Natutugunan nito ang iba’t ibang pangangailangan ng kanilang pag-aaral tulad ng pakikipagugnayan sa kanilang mga guro at kapwa estudyante upang mapadali nilang mapagusapan ang mga pangangailangang pang akademya.

    Isa pa dito ang paggamit ng mga google at iba’t ibang uri ng blog tulad ng mga educational blog kagaya nito. Ang mga educational blog ay nakatutulong sa mga kabataan upang maliwanagan sila sa mga aralin na hindi maintindihan o maunawaan sa paaralan.

     Sa tulong nito, makakukuha ang bawat indibidwal ng mga impormasyon na maaari nilang malaman. Nakakatulong din sa atin ang social media bilang kabataan ay ang paggamit ng Google kung saan mas napapadali ang ating mga gawain lalo na sa mga takdang aralin at proyekto. Sa tulong naman ng social media, hindi lang sa mga bagong impormasyon at kaalaman kundi pati na rin ang makapagbenta ng mga gamit online o ang pagnenegosyo.

Mga Masamang Epekto:

Image result for kids using phone

     Subalit, kung may magagandang epekto ang social media, mayroon din namang masasamang epekto ito. Ngayon kasi maraming kabataan ang naaadik sa paggamit ng mga ito.

      Maraming kabataan ang nagpupuyat sa paggamit ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa. Hindi ito nagiging maganda sa kalusugan ng mga kabataan. Social Media rin ang dahilan kung bakit ang ibang mga tao ay binabago ang kanilang mga impresyon sa ibang tao. May mga ilan din na masyadong bukas sa social media at minsan nasasabi nila ang mga hindi na dapat sabihin sa publiko. Nawawalan sila ng privacy at personal space. Dahil din sa internet, ang mga bata sa kasalukuyan ay hindi na lumalabas upang makapaglaro ng mga larong kalye tulad ng patintero, tumbang lata at iba pa. ipinagpalit na nila ito sa mga online games tulad ng Rules of Survival, Fortnite, Mobile Legends at iba pa. maaari rin itong makaapekto sa pagaaral ng mga kabataan dahil mas madami pa silang nailalaan sa social media, kaysa sa pagaaral ng mga pagsusulit.

     Kailangan din nating magingat sa paggamit ng social media sapagkat madami na ang mga taong nasisira ang buhay at namamatay dahil sa mga social media na kanilang kinaaadikan na hindi naman nakatutulong sa kanila. Gamitin natin ang Internet at Social Media sa pagpapaunlad ng ating sarili upang umunlad din ang ating bansa. Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito para sa ating mga gumagamit, subalit gaya ng kasabihan, “Ang lahat ng sobra ay masama.”